| Implikasyon Mga Polisiya
At Mga Pamamagitan |
Ang unang kabanata sa bahaging ito ay tungkol sa katangian
ng daloy ng mga maseselang salapi at kung paano nito
pinahihina ang ekonomiya. Tinatalakay rin kung paano
pinahihina ng mga naturang daloy ang kapangyarihan ng
mga bansa.
Tinatalakay naman sa susunod na kabanata ang kahalagahan
ng mga maaaring regulasyon at kontrol sa pandaigdigang
daloy ng pananalapi kapwa sa mauunlad at papaunlad na
mga bansa.
Ang huling kabanata naman ay naghihimok ng sama-samang
pagkilos upang matamo ang panlipunang kontrol sa pandaigdigang
daloy ng kapital. Nagbibigay rin ito ng impormasyon
at mga tala ng mananaliksik, pananaliksik at mga sentro
ng dokumentasyon, at mga grupo na aktibong nangangampanya
sa isyu ng globalisasyon ng pananalapi.
|